Kahalagahan ng Talento
Unang Output
(Emil Bennett C Verona)
Unang Output
(Emil Bennett C Verona)
Ano ba ang talento mo?
Marahil ang iyong talento ay
pagkanta o pagsayaw. Maaring ikaw ay
mahusay magluto o magsalita sa harap ng maraming tao katulad ng mga politiko. Ako,
ang talento ko ay ang mala pacman kong pagbabasa! Ang pagbabasa ko ay kasing
bilis ng pagkain ng hotsilog sa agahan. Hindi
kumpleto ang aking araw kung hindi ako nakakapag basa ng K-zone, Percy Jackson,
Harry Potter, atbp. May kaunti rin akong
kagalingan sa paglangoy at pag arnis.
Ang talento ng sinumang tao ay
regalong tinanggap natin mula sa Diyos kaya’t hindi dapat itong ikahiya o itago.
Kung ano man ang iyong talento ay ginagawa kang “unique”. mo ay
regalo sa iyo ng Diyos. Ang talentong niregalo sa iyo ng Panginoon ay dapat mahalin
mo at linangin upang hindi masayang. Maraming
tao na ang sumikat dahil sa kanilang talento halimbawa ay si Angel Locsin o Coco Martin sa pagaarte. Ang One Direction ay sumikat dahil sa
kanilang pagkanta. Umunlad ang kanilang pamumuhay at nakakapagsaya sila ng
maraming kabataan tulad natin.
![]() |
| Swimming kasama ang mga butanding sa Oslob, Cebu |
Ito ay maaring
malinang sa pagdalo sa “summer clinic”. May dalawang bakasyon na ako ay nagaral ng swimming dahil libre sa office ng Mommy
ko. Natuto na akong lumangoy, nag enjoy
pa ako. At nagagamit ko ito tuwing may outing or swimming party. Sa summer
clinic din ako natutong mag arnis.
Isa
ring paraan ng pagsasanay sa talento ay pagsali sa contest. Si Regine Velasquez
ay maraming sinalihang singing contest. Maraming
beses din siyang natalo bago siya naging kampeon at sumikat. Siya lamang ang kinikilalang Asia's Songbird. Maaari ding sumama sa choir ang may talento
sa pag awit upang maibahagi ang talento sa komunidad.
Ang mga talento ay tunay na maituturing na kaloob mula sa Panginoon at bilang pasasalamat sa Kanya, kailangan nating magsanay at linangin ang mga ito.
