Wednesday, July 5, 2017

Kahalagahan ng Talento
Unang Output
(Emil Bennett C Verona)

Ano ba ang talento mo?

Marahil ang iyong talento ay pagkanta o pagsayaw.  Maaring ikaw ay mahusay magluto o magsalita sa harap ng maraming tao katulad ng mga politiko. Ako, ang talento ko ay ang mala pacman kong pagbabasa! Ang pagbabasa ko ay kasing bilis ng pagkain ng hotsilog sa agahan.  Hindi kumpleto ang aking araw kung hindi ako nakakapag basa ng K-zone, Percy Jackson, Harry Potter, atbp.  May kaunti rin akong kagalingan sa paglangoy at pag arnis.

Ang talento ng sinumang tao ay regalong tinanggap natin mula sa Diyos kaya’t hindi dapat itong ikahiya o itago. Kung ano man ang iyong talento ay ginagawa kang “unique”.   mo ay regalo sa iyo ng Diyos. Ang talentong niregalo sa iyo ng Panginoon ay dapat mahalin mo at linangin upang hindi masayang.  Maraming tao na ang sumikat dahil sa kanilang talento halimbawa ay si Angel Locsin o Coco Martin sa pagaarte.  Ang One Direction ay sumikat dahil sa kanilang pagkanta. Umunlad ang kanilang pamumuhay at nakakapagsaya sila ng maraming kabataan tulad natin.
Swimming kasama ang mga butanding sa Oslob, Cebu

Ito ay maaring malinang sa pagdalo sa “summer clinic”. May dalawang bakasyon na ako ay  nagaral ng swimming dahil libre sa office ng Mommy ko.  Natuto na akong lumangoy, nag enjoy pa ako. At nagagamit ko ito tuwing may outing or swimming party. Sa summer clinic din ako natutong mag arnis.  
Isa ring paraan ng pagsasanay sa talento ay pagsali sa contest. Si Regine Velasquez ay maraming sinalihang singing contest.  Maraming beses din siyang natalo bago siya naging kampeon at sumikat.  Siya lamang ang kinikilalang Asia's Songbird. Maaari ding sumama sa choir ang may talento sa pag awit upang maibahagi ang talento sa komunidad. 
Ang mga talento  ay tunay na maituturing na kaloob mula sa Panginoon at bilang pasasalamat sa Kanya, kailangan nating magsanay at linangin ang mga ito.